Kamakailan lang ay ginulat ng “ashmatt” ang buong tagapaghanga nila dahil sa isinagawang secret wedding ng dalawa. Naging usap-usapan agad kung totoo nga bang buntis si Sarah G?
Dahil sa kanilang ginawang secret wedding, marami na ang nagduda kung talaga nga bang buntis na ito sa longtime boyfriend na si Matteo Guidicelli? at sa unang pagkakataon pagkatapos ng kasal, sinagot ni Matteo ang tungkol sa isyung ito.
Di umano pa ay, naging mabilis ang kanilang desisyong magpakasal dahil sa bali-balitang buntis na ang popstar.
Para masagot at matapos na rin ang isyung ito, sinagot na ni Matteo sa kanyang ginawang Facebook live kamakailan.
Kung isa ka sa solid fans ni Popstar Princess Sarah G, na umaasang magkaroon sila ng baby, pasensya na daw at madi-disappoint ka lang. Ayon kay Matteo, hindi pa sila handa na magkaroon ng baby sa ngayon, dahil mas gusto pa nilang mag focus na dalawa sa kanilang buhay bilang mag asawa.
Nang tanungin siya ni Nico Bolzico, husband of actress Solenn Heussaff, kung handa na ba siyang maging father soon, ang sagot nya ay:
“No, as of now we are enjoying each other. It is our first time to be together after six years.”
Samakatuwid, marami na ring fans ng ashmatt ang excited na sa buhay may asawa nilang dalawa, mukhang mas happy at contented naman daw ang dalawa sa buhay nila ngayon.