Mag-asawa, Nakatagpo ng Bagay na Nagmula sa Balyena na Milyon ang Halaga.

Ang swerte ng isang tao ay kusang dumarating lamang sa hindi inaasahang pagkakataon, ito man ay sa pamamagitan ng pagtuklas ng kahon ng ginto, mga sinaunang treasures, at kung anu-ano pa, katulad na lamang sa mag-asawang ito na hindi inaasahang makakita ng isang bagay na magpapayaman sa kanila.

Isang araw habang nilalakbay ng mag-asawa ang tabing dagat na sina Gary at Angela Williams na taga Overton,Lancshire United Kingdom ay nakatagpo ng isang mabaho, kulay gray na isang bagay sa dalampasigan ng Middleton Beach sa England.

Kahit mabaho ang amoy ay nilapitan ng mag-asawa dahil na intriga sila sa bagay na ito na parang tila isang itlog ng dinosaur ang laki, parehong di nila alam kung anong klaseng bagay ang kanilang nakita kaya nag desisyon silang dalhin ito at ipa-imbestiga sa kinauukulan.

Parehong nagulat ang mag-asawa sa kanilang natuklasan ng matapos ang imbestigasyon, ang bagay pala na iyon ay nagkakahalaga ng milyon milyon kapag ibibenta, ang bagay pala na iyon at tinatawag na “ambergris” o sa madaling salita suka ng balyena “Whale Vomit”.

Ang suka ng balyena ay matigas, waxy, flammable substance na pwedeng gray o black ang kulay. Nabubuo pala ito sa digestive system ng mga balyena kaya naging masangsang ang amoy.

Habang tumatagal ang substance,nag-iiba din ang amoy nito at nagiging sweet,earthly scent. Kaya binibili ang bagay na ito para gawing sangkap sa perfumes na binibenta naman sa mataas na halaga.

Ang mga ambergris ay may iba’t ibang hugis, laki at kulay na maaring magbago sa tagal ng panahon. Minsan parang mga bato lang ang mga ito na nasa dalampasigan at nakakalat sa dagat. Ang nakitang ambergris ng mag-asawa ay nagkakahalaga umano ng $70,000 o higit kumulang sa 3 milyong piso na may bigat na 3 1/2 pound.

Sa bansang US, ilegal umano ang pag benta nito pero sa bansang UK naman ay itinuturing lamang waste material ang ambergris. Pero kung ibibenta ito, instant milyonaryo ka rin pala. Kaya medyo talasan ang mata kapag napasadya sa mga dalampasigan , baka ito na ang time mong yumaman.

Loading...