Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.

Isa sa mga tanyag na magandang tanawin sa bansang Pilipinas ay ang Bulkang Mayon dahil sa hugis nitong parang cone o tinatawag nilang “near-perfect cone volcano”.

Katulad ng bulkang taal, ang mayon ay isa ring bulkang aktibo na kung saan pwedeng magbigay panganib sa mga nakatira dito at pumutok anu mang oras, tinatayang may taas ito ng 2,463 metro.

Pinangangambahan na ng mga residente doon ang minsang pagbuga nito ng abo noong nakaraang taon lamang.

Bigla naman itong nag trending ng may nakapansin na netizen sa hugis ng ulap na animoy parang payong na nakataklob sa pinaka tuktok nito, naging pansinin naman ito sa mga turista dahil sa timing at ganda ng pagkapatong ng mga ulap sa bulkan.

Ang litratong ito ay ibinahagi ng isang netizen na si Noli Luna na kung saan ay nagtrending at naging laman ng usap-usapan sa social media.

Tinatawag na lenticular clouds ang nakita sa ibabaw ng Mayon Volcano.

Narito ang explanation ni Accuweather.com Meteorologist Jesse Ferell tungkol sa nangyaring cloud formation:

“When air moves over mountains, cooling sufficiently for condensation to take place. Lenticular clouds are different from other clouds because they don’t move.”

Ang bulkang ito ay talaga namang nagpapamalas ng napakagandang itsura na kung saan ay ito daw pala ay ipinangalan sa isang prinsesa na si Daragang Mayon na ang ibig sabihin ay Magandang Dilag o sa Ingles ay “Beautiful Lady”.

Mas lalong maraming turista ang interesadong pumunta at masaksihan sana ito, pero hindi naman tumagal sa ganitong anyo ang bulkan.

Loading...