Lalaki,Tudo Iyak habang Kumakain ng Kinayod na Niyog,at Humihingi ng Tulong.

Talaga nga namang ang sitwasyon natin ngayon ay patunay na “we are not on the same boat” nasa iisang sitwasyon nga tayo, pero iba-iba ang impact nito sa bawat pamilya.

Tulad na lamang po ng lalaking ito na nasa viral video, nakakadurog ng puso habang pinapanuod siya, umiiyak ,humihingi ng tulong habang kumakain ng kinayod na niyog bilang pantawid sa kumakalam na sikmura.

Sobrang apektado sila ng ipinatupad ang community quarantine, lalo pa nung may nagpositibo mismo sa kanilang distrito kaya mas pinahigpit ang quarantine doon.

Wala na daw siyang choice at wala na ring makain, hindi naman siya maka benta ng gulay dahil mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang lugar, pero ni minsan ay hindi niya inisip ang gumawa ng masama para mabuhay.

Habang yung iba daw ay natutulog ng mahimbing at kumakain , nagpopost ng masarap na pagkain, sila ay heto, walang makain at sobrang hindi maganda ang sitwasyon.

Nagviral ang video at umabot ng 1.2 million views, ayon sa kanya:

“Manghihingi sana ako ng bigas dahil wala kaming bigas. Wala kaming masaing. “Kumakayod na lang ako ng niyog para mayroon kaming pananghalian dahil sobrang gutom na. Maawa sana kayo sa amin, Ma’am, Sir.”

“Niyog na lang ang aming kakainin. “Kakainin namin ito dahil walang trabaho. Kung hindi kakayod ng niyog, hindi kami makakakain.”

Pagkatapos nag viral ang video,ay inulan naman sila ng tulong mula sa mga may busilak na puso na ikinagalak naman ng kaniyang pamilya, plus may trabaho pang naghihintay sa kanya pagkatapos ng krisis na ito.

Loading...