Karla Estrada, Ginulat ang Marami sa Usaping Kasal, ng Kathniel? O Kasal niya?

Kamakailan lang ay isinapubliko ni Karla Estrada ang kanyang relasyon sa isang Non-showbiz Personality na si Jam Ignacio, na siyang naging laman ng usap-usapan sa online community.

Lalo pang naging mainit ang diskusyon ng kanilang mga fans ng may mga palaisipang post si Momshie karla sa kanyang Instagram account na parang nagpapahiwatig ng kasalang magaganap.

Pati mga fans ng anak niyang si Daniel Padilla ay nagugulat din at nagsasabing, ikakasal na ba ang kathniel? o para ito kay momshie Karla?

Sa Instagram story ni Momshie Karla, ibinahagi niya ang retrato ng isang Tiffany couple ring na may emoji na heart.

Bukod sa couple ring, tila may napiling wedding location na din si Momshie Karla sa kanyang dream wedding na kaniya ring ibinahagi Sa Instagram post na may caption na “Soon blue heart with a ring and red heart”.

Matatandaan na August ng 2019, special guest ni Momshie Karla sa anniversary ng resto-bar business ng anak ang ipinakilala niyang nobyo na si Jam Ignacio.

Sa huling panayam ng PUSH kay Daniel, hanggad niya ang kasiyahan ng ina lalo na sa buhay pag-ibig nito.

Kamakailan lang, present din sa birthday celebration ni Daniel ang non-showbiz boyfriend ng kaniyang ina.

Mukhang handa na yata si Momshie Karla na magkaroon ng katuwang sa buhay niya ng pang habambuhay, lahat naman ay deserved magkaroon ng second at many chances kaya goodluck sa iyo Momshie Karla.

Loading...