Sinariwa ni Arianne Bautista,26, isang TV Host, ang kanyang mga karanasan sa piling ng ABS-CBN star na si Toni Gonzaga.
Marami ang nakapansin sa pagkakahawig ni Arianne sa aktres na si Toni Gonzaga, kung iyo ngang titingnan ay malaki talaga ang similarity ng dalawa, kaya marami ang nag-iisip kung mag kamag-anak nga ba sila?
Kaya inusisa rin ito ni Arianne at sa kanyang paglilinaw, hindi sila magkadugo ni Toni, bagamat lagi siyang nababati na kahawig ang Kapamilya actress/singer/host.
“Sobrang compliment yun for me. I super look up to her.
“Super idol ko rin siya, nakaka-inspire siya as a person,” sabi ni Arianne sa question-and-answer video na in-upload niya sa YouTube noong May 2.
Nakilala raw niya si Toni sa bakuran ng ABS-CBN.
Kuwento ni Arianne, “Before ako mag-start mag-GMA, nasa ABS muna ako.
“Nag-workshop ako dun. Dun ako nag-start.”
Napabilang daw siya sa isang upcoming youth-oriented show ng ABS-CBN, at si Toni dapat ang main host.
Pero naunsiyami ang proyekto.
“Meron talagang dapat magiging show, tapos siya dapat yung host.
“So, nag-meet na talaga kami. Nag-team building pa kami together.”
Mabait at friendly raw si Toni.
Naging advantage din daw ang pagiging hawig nila ni Toni dahil nabigyan siya ng trabaho.
“Medyo nagkaka-advantage din sa akin na medyo hawig ko siya.
“Kahit sa commercial, nagba-body double talaga ako sa kanya, e.
“Di ba, ang dami niyang endorsements noon?
“Tsaka hindi rin biro yung TF [talent fee] namin noon ‘pag double ka sa commercial.
“Mataas yung suweldo, ranging from P50,000 pataas. Okay na din.
“And I get to meet her all the time, kaya lagi talaga kaming nagkaka-meet.”
Noong 2019 ay bumalik si Arianne sa bakuran ng ABS-CBN, kung saan nagkaroon siya ng guest appearance sa ilang Kapamilya shows.
Sa ngayon ay freelancer na siya at isa nang social media influencer.