Isang 22-anyos na Babae Nakabili ng Bahay at Lupa sa P6,000 na Downpayment Lamang!

Karamihan sa mga kabataang nasa edad na 22 ay bagong graduate pa lamang sa kolehiyo, ito ay simula pa lamang ng unang hakbang nila para sa kanilang ninanais na karera.

Mas marami din sa mga kabataan ngayon ang mas gustong magbiyahe o mamasyal sa iba’t-ibang mga lugar kung saan sila ay gumagastos ng malaking halaga ng salapi. Bagamat wala rin namang masama sa pamamasyal sa magagandang mga lugar gamit ang pinaghirapan mong pera ay mas mainam pa rin namang mailagay sa mainam ang perang pinagpaguran mong kitain, tulad na lamang halimbawa ng pag-iipon para sa hinaharap.

Kahit isang musmos na bata ay marunong ng mangarap sa buhay, kaya marami ang nagulat sa dalagang ito na nasa edad na 22-anyos ay nakabili na ng kanyang sariling bahay at lupa na may downpayment lamang sa halagang P6,000. Siya ay kinilalang si Cams Cruz.

Pinuri siya at inidolo ng mga netizen dahil sa napakabatang edad ay nag isip na siya na makapundar ng kanyang sariling bahay. Kadalasan kasi sa ganyang edad ay mga hilig sa katawan muna ang mas inuuna, mga damit, gadget at pagkain, ngunit siya ay mas piniling ibili ng mas kapaki-pakinabang.

May sukat na 44 sqm house and lot ang kanyang nabiling property, kahit na hindi pa man ito nabayadan ng buo, nakapangalan na rin sa kaniya ang bahay at lupa na ito.

Dagdag pa niya ay sulit na rin ito kaysa naman mangupahan sila ng kaniyang pamilya nang matagal na panahon. Ibinahagi rin ni Cams na ang bahay at lupa na kaniyang nabili sa downpayment na P6,000 ay matatagpuan sa Bocaue, Bulacan.

Sa halagang ito ay napareserve na niya ang kaniyang unit at nasa 45 araw pa bago ang hulog ng installement nito. Sa loob ng 25 taon ay huhulugan niya ito buwan buwan ng P6,288.

Sa loob ng 18 buwan ay maaari na rin silang lumipat dito

Loading...