Isang netizen ang nagbahagi ng isang hindi magandang karanasan ng Grab Driver na nakatanggap ng order na nagkakahalagang P2,250 para sa milktea lamang at ng lumaon ay inamin ng nag order na ito ay isang prank lamang?
Sa panahon natin ngayon na halos digital na at may mga makabagong teknolohiya, ang pag order ng pagkain ay pwedeng gawin online na mas hassle free at nakakarelax ka pa sa bahay, itong mga grab food, food panda at iba pang katulad nila ay naghahatid ng mga inorder na pagkain na inorder online.
Ngunit sadyang may mga kabataang hindi alam ang salitang respeto at paggalang sa mga taong nagtatrabaho para makalikom ng pera sa kanilang pamilya, akala ng mga kabataang ito na ang prank ay pangkasiyahan lamang at walang taong maaapektuhan.
Sa isang facebook post ni Ms.Junize San Diego na umagaw sa attention ng mga netizen,ibinahagi nya ang kanyang hinaing tungkol sa nangyaring “Fake Booking” na ginawa ng isang teenager. Pinahayag nya ang kanyang paghanga sa isang delivery driver na kumuha ng order kahit na sa init at ulan man para mabigay lamang ang tamang serbisyo sa kanilang mga customer, ipinahayag din niya na wag gayahin ang ginawa ng teenager na ito na gumawa ng fakebooking bilang prank sa delivery driver, ang nasabing driver ay nawalan ng P2,250 na sana ay pambili pa ng gatas sa kanyang anak.
Kinilala ang grab driver na si Ewocks Dela Cruz Dilan, na ipinalabas din ang sintimyento sa isang facebook group ‘247Riders Grab Community”.
Binaha naman ng komento ng mga netizen ang naturang post ng garb driver dahil sa hindi makataong ginawa ng teenager. Marami ang nagsasabi na ilabas ang pangalan ng gumawa nun sa kanya, at pagbayarin para madala na.
Ngunit ng maglaon ay may balitang na settle na din daw ito ng pamilya ng nagprank, dahil sobrang kawawa naman ang grab driver na halos ginagawa ang trabaho ng tama , sa isang prank lang mawala yung kanyang ilang araw na kita na inilaan para sa pamilya.
Sana naman po ay wag gayahin ito ng iba pang kabataan. Maging repsonsable po sa mga aksyong ginagawa na hindi makasakit sa kapwa.