-Isang Lola ang binigyan pa ng Tulong ni Francis Leo Marcos na nakita sa bangketa bago ito hinuli ng mga awtoridad.
-Agad niyang pinadala ang mga tauhan niya para mabigyan ng pangunahing pangangailangan ang matanda.
-Ngunit, pagkatapos ng kanyang ginawang tulong ay dinampot siya ng NBI dahil sa paglabag sa Optometry Law.
Isang larawan ng matandang babae ang kamakailan ay nag viral dahil sa kalun0slun0s na sitwasyon nito, nakahiga sa isang basang karton dulot ng ulan, dahil sa walang matirhan.
Ayon pa sa post ng Kicker Daily:
Mayo 15, nag-viral ang post ni Steffie Han sa social media. Ito ay isang panawagan upang mabigyang pansin ang isang lola na nakahiga sa bangketa sa Barangay 93, Pasay City. Umulan nang araw na iyon kaya lalong naging kaawa-awa ang sitwasyon ng lola. Nabasa siya ng ulan kaya siya nanlalamig. Naikuwento ni Steffie Han na hindi raw nakagawa ng aksyon ang taga barangayat bagkus, pinapaalis pa raw nila ang matanda.
Nang hapong iyon, matapos mag-viral ang kanyang kuwento, dumating ang taga barangay at ni-rescue na rin si lola. Kinupkop siya at pinakain.
Mayo 17, umabot ang balitang iyon kay Francis Leo Marcos, ang siyang nagpauso ng “Mayaman Challenge” at agad naman siyang nagpapunta ng tauhan at nagparating ng tulong.
Sabi niya sa video, “Nadurog po ang aking puso. Inutusan ko po ang aking team sa pangunguna ni Mary Ann Victori at Nestor Victori.“
Binanggit pa niya ang ilang mga importanteng tao at mga opisyal ng barangay na silang nagtulong-tulong upang mapuntahan si lola. Pinaliguan si lola, binihisan at pinakain. Binigyan na rin siya ng pera. Ibinili ito ng mga nag-aalaga sa kanya ng pagkain at mga bagong damit.
Sa mga pinakahuling litrato ni lola, makikita ang malaking pagbabago sa kanya. Maaliwalas na ang kanyang mukha at nakakangiti na rin. Ang magandang balita, sa mga susunod na araw ay kukuhanin na siya ng DSWD. Masaya na rin ang mga netizens na nakasubaybay sa kanyang kuwento.
Bagama’t, nabigla naman ang taong bayan nang ibinalitang hinuli si Francis Leo Marcos ng NBI dahil umano sa paglabag sa Optometry Law. Bawal kasi ang pamimigay ng salamin kapag walang pag-apruba ng Philippine Association of Optometry. Bukod pa riyan haharapin din niya umano ang ilan pang kaso kagaya ng human traff1cking, estafa at violation against women.
Marami naman ang nagsilabasang balita at nagdududa sa kanyang pagkatao at nagsasabing hindi raw siya totoong kamag-anak ng mga Marcos at iba raw ang totoo niyang pangalan. Sinagot naman niya ang lahat ng ito sa isang panayam.
Panoorin ang video ni FLM dito.