Dahil sa pagsara ng ABS-CBN Network maraming mga artista ang naglabas ng kanilang saloobin sa isyung ito, ngunit laman ngayon ng Social Media ang mga reaksyon nina Kim Chiu at Coco Martin.
Ipinahayag ni Coco Martin ang kanyang pagsuporta patungkol sa statement ni Kim Chiu na ang sabi nya:
“Hindi na sapat ang manahimik lang sa sitwasyon ngayon. Oo, hindi ako graduate ng law. Pero nagsikap ako para marating kung nasaan ako ngayon. Dahil ýun sa kumpanyang ito na handang tumulong sa bawat Pilipino!”
Marami ang nagbigay komento sa pahayag na yaon ni Kim, kahit na si Coco Martin ay nagbigay ng suporta sa aktres. Sabi ni Coco na nasa likod lamang siya ni Kim, naka suporta at wag daw matakot ang aktres.
“Sige Kim, nasa likod mo kami. ‘Wag kang matakot sa mga ‘yan. Puro lang satsat ang mga yan. Wala na tayo trabaho, pwede na tayong makipag-basagan ng mukha.”
Marami naman ang nagpuna sa mga pahayag ng aktres at aktor ng ABS-CBN patungkol sa isyu, anya nila, dapat na gawin ng ABS-CBN ang tana at naaayon sa batas para maiwasa ang ganitong problema, kung totoo daw na concern sila sa kanilang mga tauhan, sana hindi na pinaabot pa sa ganitong sitwasyon at pinagtuonan ng pansin ang pag renew ng kanilang franchise.