China at 5 Bansa,Balik Lockdown dahil sa Muling Pagkakaroon ng Bagong Kaso ng C0VID-19.

-Muling bumalik sa lockdown ang ilang bahagi ng China matapos na may maitalang mga bagong positibo sa C0VID-19.

-Pero mas naiiba ang kanilang pamamaraan ngayon dahil inoobserbahan nila ito at nagsagawa ng mass testing.

-Maraming bansa rin ang nagbalik lockdown pero sa mga piling lugar lamang na may marami pang kaso ng c0vid.

-Sa Pilipinas, inalis na sa Enhanced Community Quarantine ang ilang lungsod at dahan-dahang nagbubukas ang mga establisyemento.

Ang China ay ang unang bansang pinagmulan ng c0ronavirus at ngayon ay nananalanta na sa maraming bansa, napabalitang naging maayos na ang China at bumabalik na ito sa kanilang normal na pamumuhay.

YOU MAY ALSO READ:

Babaeng Nagpost ng “No B-R-A Challenge” Umani ng Iba’t-Ibang Komento.
Celpon na Mataas ang Brightness,Resulta- Babae nagkaroon ng 500 Butas sa Cornea.

Ngunit nitong mga nakaraang araw ay umugong ang balitang balik lockdown daw ang bansang China dahil sa pagkakaroon na naman ng bilang ng kaso sa ilang lugar doon.

Ayon sa KAMI,anim na pasyente mula Wuhan, China ang naitalang mayroong C0VID-19 dahilan para muling sarhan ang lugar kung saan unang umusbong ang naturang v1rus.

Ayon sa Express UK, kinatatakutang ito ay maging sanhi ng second wave ng paglaganap ng virus sa lugar kaya minabuti nila itong apulahan sa pamamagitan ng lockdown.

Dagdag pa ng Wuhan-based journalist na si Zhang Zhan ng Radio Free Asia, napag-alaman niyang nasa 180 na ang kasalukuyang pasyente na naka-isolate. Maging ang mga delivery drivers ay hindi na rin muna pinapayagang makapag-deliver sa Sanyanqiao residential compound na nasa Wuhan.

May napabalitang isang 89 anyos na lalaki at asawa nito ang nagpositibo kalakip na rin ang apat pang residente, kaya nagsagawa ng mass testing sa ilang mga lugar sa China.

Samantala, maging ang lima pang bansa na minsan nang naalis sa lockdown ay muli na namang nag-anunsyo ng pagsasara ng ilang lugar sa kanila sa muling pagkakaroon ng kaso ng C0VID-19. Ayon sa Business Insider, kabilang sa mga bansang ito ang Germany, South Korea, Lebanon, Iran at Saudi Arabia na nagdeklara muli ng lockdown mula noong pangalawang linggo ng Mayo. Tulad ng China, nagdesisyon na rin silang agad na mag-lockdown upang maiwasan ang paglaganap muli ng virus sa maraming tao.

SOURCE: KAMI

Loading...