Bulag na Lolo,Hinanga-an Dahil sa Pagtitinda ng Icedrop sa Umaga at Balut sa Gabi.

Marami sa atin ang nagrereklamo dahil sa uri ng ating trabaho,pero ni minsan hindi natin naisip na maswerte pala tayo dahil yung iba ay nais magkaroon ng stable na trabaho at yung iba walang kakayahan dahil mayroong kapansanan.

Ngunit kung sino pa yung may kapansanan ay minsan sila pa ang kakitaan ng determinasyong magtrabaho at makatulong sa kanilang pamilya.

Katulad na lamang po kay Lolo na taga Bacacay Albay, sa kabila ng pagiging bulag at may edad nagagawa pa rin nito ang magtinda ng icedrop.

Siya po si Lolo Aquiles Besin nasa 76 taong gulang,Sabi naman ni Lolo Aquiles, hindi naman siya nahihirapan sa paglalako dahil medyo matagal na rin siyang nagbebenta ng ice drop sa kanilang lugar kaya naman nakabisado na rin niya ang mga pasikot sikot at kalye sa lugar. Sa kabilang banda, tungkod lamang ang kaniyang ginagamit upang magsilbing gabay niya sa paglalako.

Marami talaga ang bumilib sa kasipagan ni Lolo, dahil di hamak na bulag sya ay matanda na rin, kaya marami na syang suki na umaabang sa kanyang paninda, hinangaan pa ito dahil marunong din syang magsukli sa mga bumibili sa kanya.

Ani ng residente na si Jose Borromeo na madalas ring bumibili ng ice drop kay Lolo Aquiles,

“Siguro meron siyang pakiramdam, sense of touch, na kahit ‘yun piso, kahit limang piso, kahit ‘yung bente pesos, ‘yung one hundred pesos, kaya niyang suklian.”

Sa ulat naman ni Jose Carretero ng ABS-CBN News, nagsimulang mawalan ng paningin si Lolo Aquiles dahil sa katarata noong siya ay mahigit na isang taong gulang pa lamang. Dahil sa kalagayan, hindi na rin siya nakapag-aral. Ngayon naman siya ay nag-iisa na lamang sa buhay. Mabuti na lamang din daw nga at mayroong isang mabuting pamilya ang kumupkop sa kaniya.

Maliban naman ng pagtitinda ng ice drop sa umaga at tanghali, nagtitinda rin si Lolo Aquiles ng balut tuwing gabi at gumagawa rin siya ng bayong.

Sa kabila ng kalagayan, nananatili namang positibo at hindi nawawalan ng pag-asa si Lolo Aquiles sa buhay.

Aniya,

“Talagang kasama ang sipag sa ano, sa hanapbuhay, ‘pag ang Panginoong Diyos ang kasama mo, kung ano ang gusto mo, magagawa mo ito.”

Kaya sa mga kabataan ngayon, maging inspirasyon sana ito na hindi hadlang matupad ang inyong mga pangarap kapag ito ay pinagtrabahuan at pinagpursigehan, kung nakaya ni lolo sa kabila ng kanyang kapansanan, mas lalong ito ay kanilang mapagtagumpayan.

Loading...