Babae,sumailalim sa 20 lip filler Injections para maging isang “Biggest Lips” in the world.

Sa panahon ngayon kung ipinanganak kang pangit, ay pwede kang mamatay ng maganda, kung ikaw ay isang lalaki pero gustong maging babae, ay walang imposible basta may pera kang sapat na ipambayad dito.

Sa talinong taglay ng mga tao ngayon, halos lahat yata ay pwedeng gawan ng paraan basta’t ikaw ay may pera, masyadong high-tech , modern at digital ang panahon ngayon, pwera nalang na buhayin ang taong wala ng buhay.

Sa mga taong gustong gumanda, sila ay nag u-undergo ng surgery, may kanya-kanya tayong desisyon at pananaw sa buhay, kung ito ay hindi maganda sa iyo, pwedeng maganda ito sa paningin ng iba.

Katulad na lamang sa isang babaeng ito na nag undergo ng lip filler injects ng hindi lang isang beses, kundi nasa 20 times pa.

Siya ay si Andrea Ivanova, nasa 20 taong gulang mula sa bansang Bulgaria, halos hindi na raw nya mabilang sa kanyang mga daliri kung ilang beses na ba siya nag undergo ng lip-filling operations para lamang makamit ang titulong”babaeng may pinakamalaking bibig sa buong mundo“.Nasa dalawapung beses na pala siya nagpa inject ng hyaluronic acid sa kanyang bibig.

Ayon sa Trendszilla, nagsimula si Andrea ng operation noong taong 2018 at siya ay naglaan ng malaking halaga para lamang sa operasyong ito.

Kada lip filling treatment ay nagkakahalaga ng $145, at pagkatapos ng lahat ng iyon, si Andrea ay nakagastos ng mahigit sa $2,800.

“I love my lips” I am not sure if they are the biggest lips in the world, but they are one of the biggest, I think,” sabi ni Andrea sa isang interview.

Pagkatapos ng lahat ng mga procedures na kanyang naranasan, may mga doctors na nagbabala kay Andrea sa posibleng di magandang epekto ng patuloy na pag inject ng fillers sa kanyang bibig. Pero kahit pa ganun, sigurado daw siya at itutuloy ang kanyang plano hangga’t marating ang kanyang pangarap na bibig.

Wala namang masama sa Pangarap,pero sana ay isipin din natin ang negatibong epekto sa ating kalusugan. Goodluck kay Andrea, at mukha naman siyang masaya.

Loading...