Award Winning Actress Chin-chin Gutierrez, Isa na nga bang Ganap na MADRE?

Ang dating aktres na si Chin-chin Gutierrez ay isang kilalang magaling na artista sa kanyang kapanahunan, unang napansin ang kanyang acting skills ng siya ay gumanap sa isang role sa ABC-5 series na Noli Me Tangere kung saan siya ay si Maria Clara. Ng tumagal ay marami na siyang proyektong natanggap tulad ng sa Maala-ala mo kaya, kung saan na awardan siya ng 1995 Gawad Urian bilang Best Supporting Actress,naging sunod-sunod ang kanyang mga awards at dahil diyan nakilala siya dahil sa kanyang kahusayan.

Naging kilala din si Gutierrez dahil sa kanyang adbokasiya sa pagpapahalaga ng kalikasan at naging cover pa siya ng Time Magazine’s Asian Heroes noong 2003 at recipient noong 2004 bilang Outstanding Women in Nation’s Service o kilala bilang TOWNS. Noong 2010 ay umalis na siya sa Entertainment Industry, at siya ay naging malaking kawalan sa Industriya, pagkatapos nuon ay wala ng narinig pa sa kanya.

Pero noong 2013 ay bumulagta ang balitang magiging madre na daw si Miss Chin-chin at ito ay naging usap-usapan sa Showbiz Industry. Ayon sa sabi-sabi siya daw ay kinilala ng si Sister Lourdes pagkatapos pumasok sa Carmelite Sisters Convent. Si Miss Anjie Ureta,dating manager ni Miss Chin-chin ay kinlaro ang isyu na umano’y hindi ito totoo at sya ay nagsisilbi lamang sa kumbento.

Ayon kay Anjie,siya ay isang Ecological Lay Worker at dahil dun tinatawag siyang Sister,dahil yun daw ang tawagan doon sa kumbento. Ang kanyang pagpunta din daw doon ay para mag lecture at bilang speaker sa Environmental Education.

Nagbibigay siya ng kaalaman tungkol sa kanyang expertise sa mga issues tungkol sa ecology at environment,kabilang dito ang mga topiko tulad ng Sustainable Development, Ecological Waste,Integrity of Creation at marami pang iba.

Loading...