Maraming Pilipino ang apektado dahil sa tigil-operasyon ng ABS-CBN sa ngayong panahon na mas kinakailangan ng tao dahil sa kris1s na kinakaharap ng mundo.
Mga bata, matatanda ang siyang nagrereklamo dahil sa naging aliwan na nila ang panunuod nito sa araw-araw. Pero kakaiba naman ang pinakitang aksyon ng isang lalaking ito matapos ma dismaya na wala na ang ABS-CBN.
Sa kanyang inis, na-ihagis nya mismo ang kanilang telebisyon sa labas ng bahay, marami ang nasayangan sa kanyang ginawa, baka bumalik pa daw ang dos at wala na siyang telebisyon na panunuodan.
Umani ng halos 500,000 views sa social media ang video na inupload ni Mira Escalada Ledesma nitong Miyerkoles.
Sa video, makikita ang lalaki na kinilalang si Patricio Escalada Jr. na papalabas ng tahanan habang bitbit ang isang flat screen TV.
Mapapanood din ang isang babae na tila pinipigilan ang “masamang plano” ni Escalada.
Makalipas ang ilang segundo, “ibinato” na ng lalaki ang telebisyon na ikinagulat ng isang matandang babae.
Sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ng uploader na nalulungkot sila sa sinapit ng kanilang paboritong istasyon.
Hindi naman daw inaasahan ni Ledesma na magiging viral sa social media ang reaksyon ng kapatid niya.
“Nagawa” lamang daw nila ‘yon para ilabas ang sama ng loob sa pagkawala ng Kapamilya network sa himpapawid.
Nagpalabas ng cease and desist order ang NTC para ipahinto ang pag ere ng ABS-CBN noon Martes ng Gabi.