– Isa na namang buhay ang nawala ng dahil umano sa paggamit ng gadget.
– Ayon sa ulat, ang dahilan ng pagkasawi ng binatilyo ay naputukan ng ugat sa ulo.
Nasawi ang isang binatilyo dahil umano sa sobrang pagpupuyat dahil sa kinaaliwang online games, ayon sa post ng nagngangalang JPrincess Toquero, tutok na tutok sa kanyang gadget ang binatilyong si Bryan Dumaque sa araw-araw.
Sa tuwing pagpatak pa daw ang alas tres ng madaling araw at kasarapan pa ng kanyang paglalaro, ay nagtitimpla pa ito at umi-iinom ng kape upang mapaglabanan ang antok.
Hanggang sa dumating ang araw na naputukan umano ng ugat sa ulo ang binatilyo dahilan para siya malagay sa coma. Hindi nagtagal, at binawian na rin daw umano ito ng buhay. Nag-viral ang naturang post at karamihan ng komento ay mga “tag” sa mga taong marahil ay lulong na rin sa paglalaro ng online games.
Hindi nalalayo ang kwentong ito sa naunang ulat tungkol sa dalagitang hindi na lumalabas ng kanyang kwarto sa sa sobrang tutok sa kanyang cellphone. Bigla na lamang nakaramdam ng hilo ang dalagita bago ito nagsuka, natumba at nanigas ang mga daliri. Nag-seizure na pala ito at agad namang nadala sa pagamutan.
Magsilbing babala nawa ito sa mga kabataang hindi mapigilan ang sarili sa sobrang paggamit ng mga gadgets. At sa mga magulang, huwag nating hintayin pa ang araw na humantong sa ganitong sitwasyon ang inyong mga anak. Maari naman silang gumamit ng cellphone o gadget nang may tamang paggabay at disiplina sa kanila.