Di napigilang umiyak ni Kuya Wil, o mas kilalang Willie Revillame na isa sa pinakamayamang celebrities sa Pilipinas ng makita nya ang sitwasyon ng mga frontliners na lumalaban kontra sa C0VID-19.
Kilala rin si Willie sa pagiging generous nito sa kanyang kapwa, sa kanyang pamimigay ng personal na ari-arian sa mga tao at lalo na kapag kasali sila sa kanyang mga show.
Sa kanyang show ngayon na “Wowowin” na mula sa GMA Production, mas nakita ng mga Pilipino ang kanyang busilak na puso sa pagtugon sa mga pangangailangan ng kanyang kapwa Pilipino, alam natin na nagmula din sa hirap si Willie Revillame kaya alam nya yung hirap na dinaranas ngayon ng ating kababayan dahil sa pandemyang ito.
Naging viral naman ang isa sa mga episode nito, pagkatapos maiyak ni Kuya Wil dahil sa mga napapanuod na sakripisyong ginagawa ng ating mga Frontliners na nananatiling lumalaban sa C0vid-19.
Gumawa naman ng tribute si Kuya Wil sa mga Doctors, Nurses,Police Officers,Soldiers at iba pang mga empleyado na isa sa mga frontliners ng ating bansa.
Sabi pa niya:
Pasensya na ho kayo dahil napakalungkot po talaga noon eh,’yung anak mo hindi mo mayakap katulad ng mga pulis, mga sundalo na nagbabantay, ang hirap po talaga ng pinagdadaanan nating lahat, hindi lang ho dito yan sa Pilipinas, buong mundo po yan”.
Panawagan nya naman na manatili tayo sa ating mga bahay bilang tulong sa ating bansa.