Stranded Construction Workers sa Luzon,Daga at Pusa ang Kinakain para Maitawid ang Gutom?

Ng ipatupad ang lockdown o ECQ (Enahnced Community Quarantine ) sa Maynila ay maraming mga construction workers na naiwang stranded, gutom at walang matutuluyan.

Ang mga construction workers na ito na karamihan ay nanggaling pa sa iba’t-ibang probinsya ay pansamantalang nakikitira sa mga barracks kung saan sila naabutan ng lockdown.

Maliban sa pagiging stranded, sila ay inabandona pa ng kanilang mga employer at binigyan lamang daw ng P1,000. Nakakaawa at sila ang dapat bigyan ng tulong dahil wala na silang hanapbuhay at hindi pa rehistrado sa lugar na iyon kaya wala talaga silang ayudang matatanggap.

Katulad na lamang sa kwento ng na stranded na construction worker sa UP Compound.

Sa ulat mula sa PEP.ph ang mga trabahanteng yaon ay lumalaban para mabuhay sa gitna ng gutom.

Para magkaroon ng laman ang kanilang gutom na tiyan, dumating umano sa punto na kinakain na nila yung mga pusa at daga na kanilang makikitang pagala-gala.

Nalaman nila ang sitwasyon ng 428 na stranded construction workers sa pamamagitan ni Alfred Allan Jose.

Si ALfred ang Founder ng Quezon City C0VID-19 food and goods donation, isang grupo na nagbibigay ng makakain sa mga Pilipinong labis na apektado ng pandemic at nagdedeliver na din ng personal protective types na equipment sa mga frontliners.

Ayon pa kay Alfred, walang natanggap na tulong ang mga workers na ito sa kanilang employers ng magsimulang ma extend ang lockdown.

Gumawa na lamang sila ng stratehiya upang mabuhay at maitawid ang gutom, tulad ng mga prutas sa puno, mga daga at pusa sa kalye.

Hindi rin sila makauwi sa kani-kanilang probinsya dahil sa community quarantine, kaya no choice sila at manatili muna sa tinutuluyan nila.

Ngunit nagpalabas ng pahayag ang UP tungkol sa ulat na ito,

Ngayong Huwebes ng hapon, April 23, nakausap ng Cabinet Files sa telepono si Dr. Anril Tiatco, ang direktor ng UP Diliman Information Office.

Kinuha namin ang kanilang panig tungkol sa isyu.

Ayon kay Tiatco, inalam ng kanilang tanggapan ang source ng impormasyon.

Pahayag niya, “Kasi noong pumutok nga ‘yan, nang lumabas ‘yang balitang ‘yan, si Vice Chancellor Ache, pumunta siya agad sa workers para magtanong kung totoo ba itong nabalitaan na may lumabas kasi from someone, si Mr. Allan Jose nga po yun.”

Patuloy ni Tiatco, “Actually, dalawang opisina ‘yan na umiikot sa mga construction sites—ang OVC for Planning and Development headed by Dr. Raquel Florendo and All UP Worker’s Union.

“Sila din ang kumausap sa mga workers kung totoo ba yung lumabas na balita, na kumakain sila ng pusa at daga, na dinenay mismo ng mga worker.

“Hindi nga raw nila maisip yun.

“Hindi rin po kasi ma-identify ng mga worker kung kanino galing yun, apparently.

“Tsinek namin sa Internet, parang nakasaad nga po doon na narinig ni Mr. Jose sa isang colleague niya, kaya yun ang sinabi niya.

“Ang UP Diliman naman po, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa ating mga construction worker dito.”

Ayon kay Allan, 428 ang bilang ng stranded construction workers sa UP Diliman.

Tinanong ng Cabinet Files si Tiatco kung ilan ang mga manggagawang nasa UP Diliman at kung nakausap na nila ang mga ito.

Tugon nito, “Hindi po ako sure sa bilang kung ilan sila.

“Pero nakausap po ng OVC ang mga construction worker natin on-site.

“On-site ito ‘ha? Inikot po talaga nila and, until today, nag-iikot po sila to verify.”

Mabigat ang paratang na fake news ang nangyari sa construction workers, pero nilinaw ni Tiatco na walang direktang sinabi ang UP Diliman na walang katotohanan ang lumabas na balita.

Ano kaya ang totoo sa mga pahayag na ito? pero isa lang ang layunin ng bawat isa ang maresolba ang pandemyang ito at bumalik sa normal na buhay ng bawat tao.

Loading...