Sen.Sotto,Nanawagan sa DSWD na Ilabas ang Lista ng SAP Beneficiaries for Transparency.

Senate President Vicente Sotto III ay nananawagan na ilahad ang pangalan ng mga indibidwal na makakatanggap ng emergency cash subsidies na ibinibigay ng gobyerno sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) para sa tinatawag na Transparency.

Sa kanyang pahayag sabi ni Sen. Sotto na may mga reklamo umanong nagmula sa mga low income workers at mga miyembro ng vulnerable sectors tungkol sa pamimigay ng P5,000 to P8,000 na emergency cash subsidy.

“Marami tayong naririnig na reklamo na hindi umano natanggap ng mga taong dapat ay kwalipikadong makakuha ng cash assistance na pinayagan ng Kongreso sa ilalim ng Bayanihan Act,”sabi niya.

“Kaya ang tanong natin ngayon, sino-sino na ba ang nabigyan ng gobyerno? Bakit marami ang nagrereklamong hanggang ngayon ay hindi pa nila nakukuha ang ayuda na nakasaad sa batas?” dagdag pa niya.

Sabi ni Sen.Sotto ang DSWD ay dapat mag-upload sa kanilang website ng mga pangalan ng nakatanggap ng grant at pati na rin yung lugar na natapos na nila simula nung namigay na ng ayuda.

Ang paraan daw na ito ay magbigay assurance sa publiko na ang pera ay naipamigay ng husto at natanggap ng mga karapatdapat na beneficiaries.

Dagdag pa sa ulat ng ABS-CBN:

“The DSWD has the masterlist of those who have already benefited from the SAP. It should make public the names of the recipients for the sake of transparency,” Sotto said.

Sotto pointed out that in President Rodrigo Duterte’s third weekly report to Congress, it was mentioned that the DSWD only disbursed P80 billion of the P100 billion allotted for SAP for April, lacking details related to the distribution of the said assistance such as the total number of recipients, areas distributed and the breakdown of the amounts given to recipient barangays or local government units.

“Nakukulangan ako sa report, hindi kumpleto. Kailangang malinaw sa aming mga mambabatas at sa publiko kung paano ibinahagi itong perang ito. Kulang sa detalye ang ipinasang report sa Kongreso,” he said.

Loading...