Hindi lang netizens ang galit na galit sa pag issue ng subpoena kay Mayor Vico Sotto kundi pati mga artista ay nagpahayag ng kanilang opinyon tungkol sa isyu.
Kung matatandaan ay pinayagan ni Mayor Vico ang mga tricycle na bumiyahe sa kanilang lungsod habang pinapatupad ang enhanced community quarantine, ngunit ito ay pinayagan lamang ni Mayor dahil para may masakyan ang mga frontliners patungo sa kanilang mga destinasyon.
Naging viral at trending ang hashtag na #ProtectVico bilang pagsuporta sa batang Mayor na walang ibang hangad kundi ang tulungan ang kanyang nasasakupan.
Nitong hapon lamang ng Abril 1, 2020 ay inakusahan si Mayor Vico ng paglabag sa Enhanced Community Quarantine, naging galit ang reaksyon ng mga netizen sa ginawang hakbang ng National Government at kahit mga sikat na artista tulad nila Kim Chiu at ang sabi nya sa tweeter ” Like what?? Yoko na!! Ang hirap as ph Gov’t, kapag gumawa ka ng mabuti as kapwa mas nakakataas ang makakabangga mo, pag gumawa ka ng hindi mabuti kaming mga netizens lang kalaban mo at ang nakakataas ay ( Emoji with zipper mouth).
Pati yung anak ng aktres na si Lotlot De Leon na si Janine Gutierrez ay nagbigay ng simpatya din sa post ni Kim at ang kanyang sabi naman ay”Busy po sya. Bakit Hindi nalang si Senator Koko Pimentel ang ipatawag ninyo? Or yung isang Mayor,marami daw po kasi naghahanap sa kanya”.
Sina Angel Locsin ay nagpahayag din,” Hindi ako nag mamarunong sa batas, pero sa opinion ko, si Koko ang dapat ipatawag at hindi si Vico”.
Maraming taga suporta si Mayor Vico na ngayon ay nagpapakatatag sa kanya na matatapos din ito at malinis ang kanyang pangalan.