Dahil sa mahabang Enhanced Community Quarantine, ang ating pamahalaan ay naglaan ng 200-Bilyon bilang budget sa problemang dulot ng covid-19.
Inaasahang ang bawat lokal na pamunuan ay magbibigay ng ayuda sa bawat pamilya in cash at in kind, sa pagsimula ng ECQ namigay ng mga bigas at canned goods ang LGU.
Ayon sa ating Pangulo, dapat lahat ay bigyan ng ayuda dahil lahat naman ng tao ay apektado sa panahong ito, pero alam naman natin na halos hindi lahat ng Pilipino ay mabibigyan ng ayuda dahil sa hindi naman tayo kasingyaman ng ibang bansa.
Bilang pagtugon sa problemang ito, pinapakiusapan nalang ang mga may kaya sa buhay na mas uunahin ang mga nasa mahirap na kalagayan, sila itong mga “poorest of the poor” kung tawagin.
Pero marami ang umalma lalo na iyong mga nasa middle class na estado, anilay pareho lang din silang kumakain at apektado dahil sa krisis, masakit para sa kanila na nakikitang nilulustay lamang ng mga mahihirap kuno ang pera sa sugal, alak at iba pang bisyo na imbes ito ay tipirin.
Mayroong Cash Assistance ang Pamahalaan na SAP o Social Amelioration Program ito ay nasa 5-8k sa bawat tahanan. At ang sabi ay uunahin daw yung mga kapos sa pera, pero nagviral ang ilang post sa Social Media tungkol sa mga hinaing ng mga nakatanggap ng Cash Assistance sa Negros Occidental.
Ayon sa isang miyembro ng 4ps na programa rin ng Pamahalaan, masyadong kulang daw ang 6k para sa isang buwan, kakasya lang daw ito sa 1 linggo, kaya umani ng pambabatikos ang nasabing post.
Isang post ng reporter na si Adrian Prietos ay nakausap nya ang ibang miyembro na nagbigay ng saloobin sa natanggap mula sa gobyerno.
Ayon kay Mang Leonilo isang Tricycle driver, kulang na kulang daw ang ayuda, isang linggo lang daw nila ito, kaya nananawagan siya sa Gobyerno na gawing 10k sana ito.
Yung iba naman ay sinisisi pa ang Gobyerno dahil mamamatay umano sila sa gutom dahil nakaprenda naman ang kanlang ATM sa 4ps.
Sabi naman ng isa pang ginang, sana nga daw 10k yung ibigay, dahil hindi na sila makapagkape sa 6k lamang. Kaya mas mabuti sana gawing linggo-linggo daw ang 6k.
Kaya umani ng negatibong reaksyon ito sa mga mambabasa, masyado daw demanding itong mga miyembro ng poorest of the poor, at makikita mo lang na sinusugal ang pera tapos kapag nagutom ay isisi umano sa gobyerno.