May balikan? BB Gandanghari Naging Emosyonal ng Maalala ang ‘Twin” Rustom Padilla: Siya ang nagparaya”.

BB Gandanghari umaming na missed nya umano ang dating sarili bilang Rustom Padilla pero sabi niya “Don’t get me wrong. Wala akong gusto balikan. Ang sinasabi ko lang that guy is a good guy…”

Hindi napigilan ni BB Gandanghari, 52, ang maging emosyunal at naluha nang maalala ang pinagdaanan niya bago napanindigan ang tunay na pagkatao.

Napag-usapan ito habang kausap niya ang netizens sa kanyang Live Instagram video, Lunes ng gabi, April 20 (Philippine time).

Si BB ay kasalukuyang naninirahan sa Los Angeles, California.

May mga nag-request kung puwedeng balikan ni BB ang panahon noong una siyang nakilala bilang Rustom Padilla.

Baka puwede raw i-vlog ni BB ang tungkol sa kanyang transformation.

“Babalikan natin ang aking kambal, si Kuya Rustom,” sabi ni BB.

Dagdag niya, “Mas matanda sa akin yun, e. Na-late ako ng 30 years.

“Babalikan natin si Rustom. Magpaalam tayo sa kanya nang mahusay.”

Pag-iisipan daw niya kung gagawin niyang vlog iyon sa May 3.

Maya-maya pa ay biglang napaluha si BB.

Paliwanag ni BB sa netizens: “Naalala ko si Rustom, naiyak ako. Echos! Hahaha!

“Paano natin gagawin? Ano ba yun! Hindi pa nag-uumpisa, iyak na.”

Sumang-ayon si BB sa Instagram followers niya na nagsasabing “nakaka-miss” si Rustom.

Pero hindi raw niya pinagsisisihan ang desisyong magpakatotoo sa sarili.

“Don’t get me wrong. Wala akong gusto balikan.

“Ang sinasabi ko lang, that guy is a good guy…”

Sabi pa ni BB: “Si Rustom ang nagparaya para magkaroon ako ng sariling buhay kaya ako naiiyak.”

Ayon kay BB, hindi naging madali ang desisyon niyang yakapin ang kanyang tunay na sexual orientation.

Noong kilala pa siya bilang Rustom, inamin niya sa TV viewers na siya ay “gay.”

Isa siya sa housemates ng ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 1, noong 2006.

Loading...