Lolo,Inataki sa Puso dahil sa sama ng Loob sa Pamimigay ng SAP Fund.

Kasagsagan ngayon ng pamimigay ng mga qualified sa Social Amelioration Program na nagkakahalaga ng P5-8K, pero maraming reklamo ang natatanggap ng DSWD tungkol sa proseso ng pamimigay at madami ang ini-express ito sa Social Media.

May mga balitang pinipili umano ang makakatanggap kapag ito ay malapit sa taga lista, mayroon namang ini-erase ang pangalan sa master lists umano at pinapalitan ng iba. Ang masama pa nito ay maraming beneficiary ang nahuhuling ginagamit ito sa 1llegal na gawain at sugal.

Pero yung mga karapatdapat na makakuha ay hindi pa daw nabigyan, kahit pa makikitang hindi nasa ayos na kalagayan ang tahanan at sobrang tanda na, kaso nag-iisa lang daw kaya bawal daw bigyan, totoo kaya ito?

Katulad na lamang po ng hinaing ng isang netizen na naka post sa isang Page na The Legendary Samaritans patungkol kay Tatay Avelino Caliwan, narito po ang kanyang facebook post:

TAGALOG,:
AVELINO CALIWAN BRGY.MATAYUM MASBATE
5am maagang naligo yung lolo ko.dahil sa subrang saya niya kasi isa siya sa napili ng SAP AMELIRATION FUND.

7am pumunta sa brgy namin pero bago po nag bigay ng 5k may sinabi muna o kunting program yung taga DSWD.

Nang nag simula na po sa pag bibigay ng ameliration fund pag dating kay lolo may sinabi po sa kanya.. na TAY UWI KA NALANG sabay sulat sa form ng FOR VALIDATION dahil wala raw beneficiary si lolo samantalang may asawa siya…

Umuwi yung lolo ko subrang dismaya ..Kahapunan nabalitaan po ni lolo na may señior citizen po na ibinigay yung 5k at may dalaga pa.mostly pensioner pero siya hindi ehhh!!masakit para sa kanya dala² niya iyon hanggang pag uwi niya sa bahay..sabi niya na sana di nalang siya nilagay sa payroll kung ganun manlang ang mangyayari..may binigyan na wla din naman binubuhay nila katulad din ng lolo ko.pero xa wala…

6pm inataki po siya dahil lang sa sama ng loob dinibdib niya ang lahat ng iyon.masakit para sa kanya kahit maliit na halaga…

APRIL 27 2020 dinala siya sa PROVINCIAL HOSPITAL OF MASBATE sa ngayon,,,nakamulat at nakapag salita siya kahit kalahati ng katawan niya di na niya kayang igalaw. Pero isa lang ang hinilng niya na sana matulungan siya na ma ereklamo..sa hindi tamang proseso..yun yung hiniling niya at naway po na tulungan niyo po kmi…mabait po yung lolo ko subra??
Slamat sa inyu….maraming salamat po

Sana po may sagot ang Pamahalaan sa mga ganyang reklamo, hindi pantay na pamimigay ng Fund lalo na sa mga kawawang mamamayan. Tulungan po nating maipa-abot ito sa tamang ahensya.

Loading...