Dahil sa global pandemic na ito dulot ng covid-19, hindi lamang ang Pilipinas ang naka lockdown o naka enhanced community quarantine.
Isang balita mula sa france na mukhang kakaiba dahil sa ginawa ng isang lalaki para lamang makabili ng kanyang Yosi.
Minultahan siya dahil sa kanyang paglabag sa anti-coronavirus quarantine sa France dahil nagawa pa nitong umakyat sa bundok para lang makabili ng sigarilyo.
Ayon sa ABS-CBN:
Una umanong gumamit ng kotse ang lalaki noong Sabado para bumiyahe mula Perpignan sa Southern France hanggang La Jonquera sa bansang Spain pero pinigilan ito sa checkpoint.
Dahil dito, napagdesisyunan umano ng lalaki na maglakad at akyatin ang bulubundukin na pumapagitna sa dalawang bansa.
Kalauna’y nawala ang lalaki at kinailangan pang sagipin ng awtoridad, ayon sa pulisya.
“He fell into a stream, in brambles, got lost and ended up contacting” ayon sa mountain unit ng Pyrenees-Orientales sa isang tweet.
Nagpadala ng helicopter ang lalaki na umano’y pagod at nilalamig.
Matapos masagip, minultahan ng 135 euros (mahigit-kumulang P7,400) ang lalaki sa paglabag sa quarantine protocol.
Maaari lang kasi lumabas ang mga residente kung importante ang lakad.
“We remind you once more. STAY AT HOME,” paalala pa ng mga awtoridad sa tweet.
Marami umanong residente sa Southern France na dumaraan sa border para mamili ng sigarilyo, pagkain, alkohol at gas dahil mas mura umano ito sa Spain.