His Smile Says It All, Umantig sa Puso ng mga Netizen ang Ngiti ni Tatang ng Abutan ng Relief Goods.

Dahil sa isinagawang Lockdown at Enhanced Community Quarantine mula Luzon hanggang Mindanao, pinaalalahanan ang bawat isa na manatili sa kani-kanilang mga tahanan para masugpo ng mabilis ang virus.

Marami ang may mga negatibong komento sa deklarasyong ito dahil mamamatay umano sa gutom ang ilang mga Pilipino. Si Pangulong Duterte ay naglabas ng 200Bilyong Peso upang gamitin sa krisis na ito, kalakip ang pamimigay ng relief goods, cash, at iba pang medical supplies.

Sa panahong ito ng pakikipaglaban, napakahirap para sa lahat dahil ito ang tanging kalaban mo na hindi mo nakikita, kaya halos araw-araw ay may namamatay at nadadagdagan pa ang numero ng mga infected dito.

Pero ang krisis din na ito ang nagpalabas sa tunay na ugali ng bawat tao, napakasaya sa puso ang makapagbigay ng tulong sa kapwa gaano man ito kaliit o kalaki, kaya sa simpleng ngiti at pasasalamat nila pagod mo ay napapawi.

Isang netizen ang kamakailan lang ay naging laman ng usap-usapan sa social media dahil sa ginawa nyang pamimigay ng donasyon sa kanilang lugar.

Isa sa mga nabigyan ni Jem Arboleda-Nacino at ng kanyang grupo ay si Tatang na may Malawak at Matamis na ngiti ng abutin ang relief goods na ibinigay sa kanya.

Umantig sa puso nina Jem ang reaksyon ni Tatang,gayundin ang mga nakakita ng kanyang post, dahil bakas sa mukha nito ang labis na kasiyahan.

Patuloy pa rin ang isinasagawang relief goods donation ng grupo ni Jem, at ayon sa kanya natapos na daw nila ang batch 1 ng kanilang naipon, sa ngayon ay umabot na ito sa 150-200 na pamilya ang nabigyan.

Kaya panawagan ng grupo na makalikom uli sa gustong magbigay upang madagdagan pa ang pamilyang matutulungan.

Sadyang kapuri-puri ang ginawa ng grupo ni Jem, nawa’y dahil sa pagtutulungan, mas mabilis nating makamit ang kapanalunan.

Saludo po ang maraming netizens sa inyo.

SOURCE: FILTIMES

Loading...