Hinimatay at Pumanaw ang Isang Senior Citizen na pumila sa Relief Goods.

Isang Senior Citizen na kinilala bilang si Roger Relano Abillonar ang hinimatay habang nakapila upang tumanggap ng relief goods sa Nabua,Camarines Sur.

Siya ay 62-anyos at kausap daw ni Abillonar ang isang Brgy. Tanod na si Ernesto Millete nang bigla siyang natumba.

“Kakuwentuhan ko rito, pagtalikod ko, bigla na lang siyang bumagsak dito. Maputla siya, eh. Pinaupo namin diyan, naninigas na siya,” ani Millete.

Dinala muna si Abillonar sa Barangay Health Center bago isinugod sa ospital kung saan siya binawian ng buhay.

“Wala siyang karamdaman. Hindi nga ‘man napunta sa ospital kasi wala namang sakit ‘yan,” sabi ni Leonida, asawa ng biktima.

Ayon kay Leonida, nasa Maynila ang kanilang mga anak dahil inabutan ng enhanced community quarantine. Ang mister lang umano ang nasa bahay nila nang sandaling magkaroon ng bigayan ng ayuda sa barangay kaya ito ang pumila.

Paliwanag naman ni barangay kagawad Lilia Azul, ipinagbawal nila ang mga senior citizen, buntis, menor de edad, at maysakit sa venue.

“Nag-disseminate kami house-to-house, nagbigay kami nung stab. Talagang hindi pinapapupunta lahat,” ani Azul.

Sabi naman ng barangay na handa silang magbigay ng tulong sa pamilya ni Abillonar.

SOURCE: GMA NEWS

Loading...