Dahil Walang Ayudang Natanggap, Kinayod na Niyog nalang ang Kinakain ng Mag-Ama.

Sa panahon ngayon kanya-kanyang diskarte na lamang para maitawid sa gutom ang buong pamilya, hindi naman sapat na e-asa sa gobyerno lahat ng mga pang araw-araw na gastusin.

Sa programang Social Amelioration Program ng Pamahalaan, hindi lahat ng poorest of the poor ay nabiyayaan ng ayudang 5-8k kada pamilya, karamihan kasi ay hinihingan ka pa ng mga papeles para mapabilang ka sa listahan. Paano naman yung mga taong nakikisilong sa lansangan?

Tulad na rin ni Denmark Balobal na isang nagtitinda ng taho, dahil sa ECQ malaki talaga ang naging impact nito sa kanyang hanapbuhay, pero ang masaklap ay hindi pala nakalista si Mang Denmark bilang recipient

Bilang isang ama sobrang sakit kapag nakitang nahihirapan ang kanyang anak at umiiyak dahil sa matinding pagkalam ng sikmura nito. Nakakalungkot man ngunit wala siyang maipakain sa kaniyang anak.

Wala rin siyang pera para maibili man lang ito ng pagkain at gatas. Wala na ring magawa si Danmark kundi ang mapaluha sa mahirap nilang kalagayan. Para maibsan ang matinding gutom, kinayod na niyog na lamang ang kinain ng mag-ama.

Ibinahagi ng isang netizen ang nakaka-kurot pusong larawan ng mag-ama habang kinakain ang kinayod na niyog. Umapela na rin siya ng tulong para kay Denmark Balobal para mabigyan sila ng sapat na pagkain at iba pang tulong.

Sa interview naman ng programang Magandang Buhay kay Denmark, talagang napapaiyak na lamang umano siya dahil sa kanilang kalagayan. Ang tangi na lang niyang nagawa ay ang manalangin sa Diyos upang manatiling matatag.

Bagaman isang OFW sa Oman ang asawa ni Denmark na si Leah Sapanton, hindi naman ito makapagdala ng pera sa kanila dahil nagsisimula pa lang itong magtrabaho.

At dahil inaalala din ni Denmark ang kalagayan ng kaniyang asawa sa banyagang lupain, nakatanggap naman siya ng voice message mula dito bilang sorpresa.

Nawa nga na matulungn ang ating mga kababayan na tunay na nangangailangan at isabuhay ng bawat Pilipino ang Bayanihan tulad ng sabi nga “We Heal as One”.

SOURCE: HOWTOCARE

Loading...