COVID-19: Nagalit na Lalaki sa Pasaherong Umubo sa loob ng Bus, PUMANAW na.

Si Jason Hargrove isang bus driver ay pumanaw na dahil sa coronavirus, di umano ay 11 days bago sya pumanaw ay nakapag live pa ito sa facebook at inilabas ang kanyang galit sa isa nyang pasahero.

Sa kanyang ginawang video, makikita doon na ilang beses niyang kinondena ang ginagawang pag-ubo ng kanyang pasaherong babae na wala man lang daw proteksyon tulad ng mask o gloves.

“We’re out here as public workers, doing our job, trying to make an honest living to take care of our families,” anito. “But for you to get on the bus, and stand on the bus, and cough several times without covering up your mouth, and you know that we’re in the middle of a pandemic, that lets me know that some folks don’t care,” dagdag pa nito.

Batay sa ulat ng ABS_CBN News, nasawi ang 50-anyos na si Hargrove nito lamang Miyerkules at naulila ang asawa at anim na anak. Kinilala naman ng mayor ng Detroit ang sakripisyo ng mga katulad ni Hargrove at muling nagpaalala sa publiko ukol sa pag-iingat dahil sa virus.

“He knew his life was being put in jeopardy — even though he was going to work for the citizens of Detroit every day — by somebody who just didn’t care, somebody who didn’t take this seriously,” sabi ni Mayor Mike Duggan. “And now he’s gone.”

Bagamat hindi alam kung kailan nahawaan ng virus ang nasawing driver, nagsilbi naman ang nangyari rito bilang paalala sa publiko na mas maging maingat laban sa nakamamatay na sakit.

Mas nalalagay sa peligro itong mga frontliners dahil na rin sa mga katigasan ng ulo ng ilang pabayang mamamayan.

Sa Pilipinas, marami na ring Doctors, Pulis at Nurses ang binawian ng buhay dahil sa pagserbisyo sa ating mamamayan.

SOURCE: KAMI

Loading...