Billy Inamin na Muntikan na silang Magkasuntukan ni Vhong,dahil sa maling ginawa niya.

Naging matagumpay ang palabas na “It’s Showtime” dahil umabot ito ng ilang taon at nagpasaya sa maraming Pilipino, dahil din ito sa mga masisipag na crew at mga talented na hosts ng show.

Sina Billy Crawford,Vhong Navarro, Anne Curtis, Vice Ganda, Karylle at marami pang iba ang bumubuo at nagpapasaya sa show, makikita ang closeness ng bawat isa, na tila akala mo’y magkadugo at tunay na magkapamilya.

Pero katulad nga ng isang Pamilya, di maiiwasan ang mga tampuhan at samaan ng loob.

Sa isang episode ng morning talk show na “Magandang Buhay”, inamin ni Billy na mayroon silang tampuhan ng co-host na si Vhong Navarro.

Sinabi din ng aktor na muntikan ng umabot sa suntukan ang kanilang naging tampuhan,kaya may mga oras na ang kanilang kasamahan na sina Anne at Karylle ay pumapagitna sa kanila para maiwasan ang pagkakaroon ng away.

Sabi ni Billy:

‘‘Yung time na ‘yon, ‘yung medyo nagtampo si Vhong sa ‘kin, may mga instances na si Anne at saka si Karylle umupo sa gitna namin dahil hindi talaga kami pwede magtabi kasi either magsusuntukan kami or as in mag-aaway kami. Awkward na talaga, e”

Inexplain naman ni Vhong na nainis umano siya dahil kinansela ni Billy ang kanilang Hongkong Trip na dalawa.

“Every year kasi ginagawa namin ‘yon. May trip kami ng mga Kuys kasama si Billy rin, aalis kami. Tapos parang lately ‘di na siya nakakasama”

“Syempre, close ko siya, e. Kumbaga, parang ‘yung moment namin na ‘yon every year, ‘yun na lang ‘yung parang labas namin”

Inamin ni Billy na siya naman ang talagang may kasalanan dahil sa ginawa nyang pagkansela ng kanilang trip sa last minute na mismo.

Actually, kasalanan ko ‘yon. ‘Yung time na ‘yon naka-oo na kasi ako and last minute ko nasabi sa kanya [Vhong] na hindi ako makakaalis.”

“Walang hesitation, as in nagshut down talaga si Vhong. As in ‘di ako kinausap. Kahit nasa Showtme kami. As in!”

Pero mas pinili ng dalawa ang kanilang matagal na pinagsamahan, ang kanilang friendship at nagkapatawaran. Walang mawawala kapag isantabi ang pride para ma save ang relasyon sa bawat isa.

Loading...