Inupload noong Agosto 2019 ang nasabing video kung saan pinakita ang pahayag ng isang Indian boy, kung saan hinulaan nya na mayroong isang malaking krisis na mangyayari sa buong mundo sa pagpasok ng taong 2020, at pinaniwalaan naman ng mga netizen na covid-19 ang tinutukoy ng batang lalaki.
Mayroong bagong inilabas na video umano ang batang lalaki, kung saan sinabi nya na mararanasan ang mas malala pang pangyayari simula ng Marso 29,2020.
Ayon sa How to Care:
Sa naturang video, sinabi ng lalaki na ang planetary alignment ay magiging sanhi ng kaguluhan sa buong mundo at ang epekto nito sa mundo ay magsisimula ngayong Martes, Marso 31.
Ayon sa lalaki, ang planetary alignments at lunar geometries na ito ay mayroong malaking epekto para malaman ang kapayapaan sa mundo.
Aniya,
“Jupiter, Mars, and Saturn are conjunct. So what will be the effect of this alignment on this world is the major question. Three brightest planets in our solar system are conjunct during this period. This is a very rare celestial phenomenon. Different types of energy will hit the earth during the period. In the time between March 31 and April 1, Mars and Saturn are completely conjunct, and this will be the time when the disease is very much likely to spread.”
Ayon pa sa batang astrologer, mas mabuting manatili muna daw sa mga sariling bahay dahil sa kinakaharap daw na pandemic ng buong mundo, dahil ang paglabas-labas ay maaaring makadagdag pa sa paglala ng sitwasyon.
Paglilinaw nya na hindi nya sinasabi ang mga ito para takuting ang sanlibutan, sinabi nya lang ang mga ito bilang magsilbing babala sa mga tao tungkol sa panganib na pwedeng idulot ng covid-19.
Naniniwala siya na ang krisis na kinakaharap ngayon ng buong mundo ay magtatapos rin sa Mayo 29, 2020.
Kaagad naman nagtrending ang video clip na naka-upload sa YouTube channel na ‘Conscience’. Marami naman sa ating mga netizens ang nagbigay ng iba’t ibang pahayag ukol sa pahayag na sinasabi ng lalaki.
Narito ang ilan sa kanilang komento:
“His talk is so divine. I feel the magic. I know a lot of gurus but he is the most favorite one. It’s just satisfying. I don’t feel the rush.”
“I completely agree. This is a Biochemical War. War doesn’t always mean physical killing or the use of weapons. This is another kind of war that has evolved with the evolution of technology. Thank you again child prodigy for all your readings and predictions.”