Striktong pinapatupad ang batas laban sa mga paglabag sa isinasagawang laban sa covid-19, kaya mga matitigas na ulo na residente at mga hindi nakikiisa sa programa ng Gobyerno ay mahaharap sa kaso.
Hindi lang naman sa bansang Pilipinas ipinapatupad ito kungdi halos sa lahat na bansang apektado.
Arestado ang isang babae sa California matapos niyang dilaan ang mga paninda sa isang supermarket na tinatayang aabot sa P90,000 ($1,800).
Ayon kay Chris Fiore, tagapagsalita ng South Lake Tahoe police department, tinawagan sila para rumesponde sa Safeway store noong Martes dahil sa mga ulat ng pandidila sa mga paninda sa supermarket.
Marami umano ang nag-aalala dahil sa pagkalat ng COVID-19.
Nakita sa supermarket ang suspek na kinilala bilang si Jennifer Walker, 53, na may dalang cart na puno ng mga pagkain, gaya ng karne at alak, na hindi naman umano niya balak bilhin.
Kuwento pa daw ng isang empleyado ng supermarket, nanguha rin daw ng mga panindang palamuti ang suspek at dinilaan ang mga ito.
Ayon kay Fiore, kakasuhan ng felony vandalism ang suspek habang kinailangan namang sirain ang mga panindang hinawakan niya dahil baka kontaminado na ang mga ito.