10 Years ng Namatay na ka-anak, Nakalista sa Social Amelioration sa kanilang Brgy.

Naging mas madali ngayon ang komunikasyon at pagiging updated sa mga balita dahil sa social media platform, tulad ng mga facebook app, instagram, twitter at iba pang kapareho nito.

Kaya mabilis kumalat ang mga balita o viral dahil sa pag si-share nito sa publiko, kapag mayroon mga makabuluhan, katatawanan, importanting mensahe at iba pa.

Laman ngayon ng balita ang programa ng Gobyerno bilang tulong sa mga mahihirap nating kababayan dahil sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine, ito ay ang SAP (Social Amelioration Program).

Naging Viral ngayon ang post ng isang netizen na may kinalaman sa kanilang ka-anak na sampung taon ng binawian ng buhay at nakalibing,pero ang pangalan ay nakalista umano sa kanilang barangay na tatanggap ng ayuda na mula sa
SAP.

Ito ay base sa post ni Miss Lily Victoriano na nagulat umano sila dahil matagal na ngang wala ang kanilang kamag-anak na si Eden Victoriano ng Bugo, San Remegio,Antique , at bakit nasa listahan pa daw ito.

Ipinakita nila sa facebook post ang nilibingan ng kanilang ka-anak bilang patunay na talagang namatay na ito. Kaya malaking palaisipan ito sa mga namumuno at kinauukulan kung bakit may mga pangyayaring ganito.

Hindi pa man nakuha ang panig ng taga DSWD o kanilang BRGY, hinggil sa nangyaring ito.

Loading...