VIRAL: Pinoy, Pinagsusuntok ng Dayuhan Dahil Napagkamalang Isang Chinese.

Marami ang na-alarma dahil sa biglang paglubo ng bilang ng mga infected sa covid-19 na ngayon ay umabot na sa iba’t-ibang sulok ng mundo.

Ngunit sana ay hindi naman umabot sa punto na saktan mo ang kapwa mo dahil sa natatakot kang mahawaan nito.

 

Naging viral ngayon sa social media ang isang video kung saan makikita na sinuntok ng isang Bangladeshi ang overseas Filipino worker(OFW) dahil napagkamalang Chinese ito.

Makikita sa video na namimili ang isang Pinoy sa isang supermarket nang biglang sinapak ito ng dayuhan.

Gumanti naman ng suntok ang biktima habang sumisigaw ng “I’m a Filipino, not a Chinese”.

Tumagal nang halos 20-segundo ang sagupaan bago tuluyang naawat ng mga security guard at mamimili.

Ibinahagi sa Youtube ang nasabing video ni J LAV, ma sasaksihan ang matinding komprontasyon dito na umabot na sa mahigit 70,000 views.

 

Sa ulat ng International Business Times Singapore, naganap raw ang insidente sa isang grocery store sa Lidl, Casalpusterlengo, na kasalukuyang naka-lockdown dahil sa novel coronavirus (COVIID-19)

Ang motibong tinitingnan ng mga Pulis ay ang napagkamalan itong Chinese at sa kinatatakutang virus na nagmula sa China.

SOURCE: RMN

Loading...