Naging viral at pinuri si Boxing Champ Senador Manny Pacquiao nitong lunes dahil sa pahayag niyang uamntig sa puso ng mga Pilipino at manunuod dahil sa kanyang obserbasyon sa panahong ito ng krisi sa covid-19.
“Walang value ‘yung pera ngayon no? Kahit ang dami mong pera, wala kang mabili, kasi lahat sarado. Kahit anong ganda ng kotse mo ngayon, wala kang mapuntahan. Kahit LV o Gucci pa suot mo, nasa bahay ka lang din naman,”
“In this time of crisis, you’ll appreciate more all your memories and quality time with your families and friends. ‘Yun lang yung meron tayong lahat ngayon,” dagdap pa niya.
Si Sen, Manny ay ni ranked ng Forbes noong 2019 bilang ika-walong highest-paid athlete ng dekada.
“Kaya pagtapos ng lockdown na ito, we should learn to humble ourselves na it is not the material things that we should crave for. It is about our relationship to God and the memories and the legacy that we will leave to our children,” sabi pa ni Sen. Manny.
Tama nga naman at maraming realisasyon sa mga nangyayari ngayon, tila ang mundo ay nagpahinga sa lahat na pang aabuso na ginagawa ng tao.
Ano po ang inyong komento sa pahayag ni Sen. Manny?