Sa panahon ngayon maraming mga under-employment sa bansa at ang iba sa kanila ay nasa call center company dahil mabilis lang makapasok at may tamang sahod naman kaysa maging tambay sa kanilang mga bahay.
Kaya swerte mo na kung makakahanap ka talaga ng trabahong inline sa iyong kurso, may mataas na sahod at may mababait pa na Boss.
Pero baka mapapaisip kang mag apply sa trabahong ino-offer ng milyonaryong ito, handa siyang magbayad ng milyong sweldo sa isang taon para sa isang personal assistant kasama na ang lahat ng benefits.
Ang milyonaryong ito ay si Matthew Lepre. Sa edad na 26, naging matagumpay na siya sa larangan ng negosyo. At yamang marami siyang kailangang asikasuhin, naghahanap siya ng personal assistant niya.
Ano nga ba ang offer ng milyonaryong ito bilang kanyang Personal Assistant? Aba ay kikita ka raw ng 2.7 milyon sa isang taon o 225,000 kada buwan, libre na rin daw yung pagkain, hotel at accomodations at iba pang travel expenses.
Kasama pa daw ang mapipiling PA sa lahat ng travel ni Matthew Lepre sa ibat ibang bansa, kaya napaka swerte ng ma ha-hire niya, ito na daw ang coolest job in the world na siya lamang ang nagbigay ng offer.
Kaya ba niyang magpasweldo ng ganon kalaki? Ang totoo, dahil sa kaniyang negosyo na e-commerce, nagsimulang yumaman si Matthew.
Sa edad na 23, huminto na siya sa pag-aaral ng dentistry at itinatag ang Warrior Academy E-commerce.
Naging matagumpay ang negosyo niyang ito anupat kumikita na siya ngayon ng tumataginting na 6.1 Milyon kada buwan, makalipas lamang ang tatlong taong sikap at tyaga.
Gusto mo na bang mag-apply? Alamin ang mga requirements na hinahanap ni Matthew sa kaniyang YouTube Vlogs. Baka ikaw ang maswerteng mapili at makalibot sa buong mundo.