Galante! Pokwang Hinandaan ang Mga Pulis at Sundalo Na Nag Che-checkpoint.

Sa panahon ng kalamidad diyan mo talaga mapapatunayan at malalaman ang tunay na kaugalian ng bawat tao, katulad po ni Miss Pokwang, isang kilalang komedyante na minsan ay naka experience din ng hamon sa buhay pero heto sya ngayon gumagawa ng paraan para makatulong sa bayan.

Base sa kanyang instagram post, mayroon siyang inihandang snacks para sa mga police officers at mga sundalo na nag co-conduct ng checkpoints, dagdag pa nya ay maghahanda din siya ng pagkain para naman sa mga doctors at nurses.

“Goodmorning…. pa tuna sandwich po para sa ating mga pulis, sundalo sa checkpoint next naman sa mga doctors and nurses…. wag mawalan ng pag asa matatapos din ito kapit lang mahal kong kababayan. “Lord Jesus will cover us with his holy blood trust in him lang paaaakkk again PAALALA ‘MANAHIMIK KA SA BAHAY PARA SA IKABUBUTI NG MGA MAHAL MO SA BUHAY AT BAYAN’,” Post ni Pokwang sa kanyang Instagram account.

Kung inyong maalala ay nagpost rin si Pokwang kamakailan tungkol sa isang post ng Netizen na nagpahayag ng negatibdong sentimento sa mga Chinese dahil sa covid-19 crisis.

Sana marami pa ang katulad ni Miss Pokwang na gumagawa ng paraan para makatulong sa ating bayan, wag na po sana magsisihan, dapat tayo ay magtulungan para labanan ang kinakaharap na crisis ng buong mundo.

Loading...