Araw-araw ay may naitalang bagong record ng mga infected sa covid-19. Habang dumarami mas kinakailangan ang serbisyu ng ating mga health workers, pero nakakalungkot dahil sila mismo ay unti-unting nababawasan dahil sa pagkahawa sa sakit na ito.
Ngayong araw ay napabalitang pumanaw na rin si Dr. Sally Gatchalian ang kapatid ng aktress na si Ruby Rodriguez dahil sa infectiong dala ng covid-19.
Si Dr. Sally ang naitalang ika- siyam na doktor na nasawi sa pakikipaglaban sa pandemyang ito.
Sa instagram post ng TV host/ actress, binahagi niya ang masasayang alaala niya sa kapatid. Ito rin ang kanyang paraan upang ipaalam sa publiko na yumao na ang kapatid na nakipaglaban sa COVID-19.
Ipinahayag ni Ruby ang pagmamahal niya sa kanyang “Manang Sally” at kung paano niya ito mami-miss ngayong pumanaw na ito. Ipinakita rin ng Eat Bulaga host ang larawan na simbolo ng masasayang alaala nilang magkakapatid kung saan nakumpleto pa sila nitong nakaraang pasko noong 2019.
Ayon sa GMA News, si Dr. Gatchalian ay presidente ng Philippine Pediatric Society at assistant director ng Research Institute for Tropical Medicine kung saan isinasagawa ang mga test ng COVID-19.
Maraming mga netizen ang nagbigay din ng kanilang simpatya sa aktress dahil sa kalungkutang dinarmdam ng pamilya nila ngayon.