Pag-Ibig (Love) ano nga ba ang tunay na kahulugan nito? May masama ba at mabuting maidudulot ito sa tao?
Sa depinisyong ibinigay ng Wikipedia:
YOU MAY CHECK THIS FIRST:
7 Prutas na Ipinagbabawal na Haluin dahil sa Delikadong Kemikals na Mabubuo nito.
VIDEO: Pag-Ulan ng Isda sa Mga Bansang Ito, Nakunan ng Video. Isang Sign din ba ito?
Misteryosong Ilaw Namataan sa Kalangitan ng Norway at Japan.
Ang pag-ibig ay maraming kahulugan mula sa ilang bagay na nagbibigay konting ligaya (“naibigan ang isang pelikula”) hanggang sa pagbuwis ng buhay (pagkabayani). Maaari na isang masidhing damdamin ng pagtingin ang kahulugan nito, isang emosyon o nasa estado ng emosyon. Sa pangkaraniwang gamit, madalas na tumutukoy ito sa puppy love o interpersonal na pagmamahal. Marahil sa malaking kaugnayan nito sa sikolohiya, karaniwang tema ito sa sining. Mayroong kuwentong pag-ibig ang karamihan sa modernong mga pelikula at tungkol din sa pag-ibig ang karamihan sa mga awiting sikat o musikang pop.
Ayon sa aklat ni San Pablo sa kaniyang Unang Sulat sa mga Taga-Corinto 13: 1-13:
“Ang pag-ibig ay matiisin… may magandang loob;… Ang pag-ibig ay handang ibuwis ang kanyan buhay para sa Kanyang mianmahal… hindi nananaghili, hindi nagmamapuri, hindi palalo; hindi lumalabag sa kagandahang-asal, di naghahanap ng para sa sarili, di nagagalit, di nag-iisip ng masama; hindi natutuwa sa kasamaan, ngunit ikinagagalak ang katotohanan…” Idinagdag pa niyang “Ang pag-ibig ay di kailanman magmamaliw…” Ayon pa rin kay San Pablo, may tatlong bagay na mananatili: ang pananampalataya, ang pag-asa, at ang pag-ibig; subalit pinakadakila sa mga ito ang pinakahuli: ang pag-ibig
Ngunit bawat tao ay may iba’t ibang paraan ng pagpapakita ng kanilang matamis na pagmamahalan.Tulad po nitong kwento ng mag-asawang Si nanay Milagros at ang kanyang kabiyak.
Kakaiba ang kanilang estilo sa buhay na kapansin pansin sa mga mata ng tao, ngunit sa ganitong paraan napapakita nilang mahal na mahal nila ang isat isa.
Ayon sa KMJS:
May isa kaming pirming pinagtatalunan ng misis kong si Milagros. Sa buong pagsasama namin, kapag sumasamba kami sa bayan, palagi niya akong kinukulit na magsuot kami ng terno. Nagpapasadya pa siya talagang magpatahi. Minsan nga sinabi ko sa kanya, ‘Ang tanda-tanda na natin, maggaganyan pa tayo!’
Maganda raw ‘yang pang-OOTD namin.
Hindi ko maintindihan kung ano ‘yung pinagsasabi niyang OOTD.
Pero mas hindi ko alam kung paano niya ako napapayag.
Siguro kasi mahal ko kasi siya talaga.
Iniisip ko na lang, maliit na bagay ito kung ikukumpara sa mga ginawa niya sa akin.
Na-stroke ako.
Pero kailanman hindi niya ko iniwan.
Sa sakit at kalusugan.
Sa hirap at ginhawa, nariyan siya.
Marami man kaming pinagdaanan, lakas loob kong hinarap ang buhay dahil hindi niya ako iniwan.
Hindi ko alam ang ibig sabihin ng OOTD, pero siya ang aking one and only…
ang nakatadhana kong maging kapares.”
Ang sarap sa taenga pakinggan ang mga sinasabi ni Tatay, Sana all nga lang. 🙂 Maraming netizen din ang humanga sa kanila ni Tatay ,so sweet at pure love daw ang komento ng iba.