Interior Secretary Eduardo Año nagbigay ng utos sa lahat ng mga Barangay Officials na linisin ang kalsada sa ano mang sagabal sa loob ng 75 na araw.
Pagkatapos magbigay ng utos sa mga Lokal na Pamahalaan na linisin ang mga primary at secondary na kalsada noong taong 2019, Si Sec. Año ay nagpalabas ng isang memorandum na nagbibigay utos sa mga barangay officials na sa oras na ito ay linisin ang mga tersiyaryong kalsada sa kanilang nasasakupan.
Sabi ni Sec. Año:
“I direct LGUs, especially the barangays, to clear local roads and sustain the gains of the road-clearing operations with the same urgency and enthusiasm,” he said in a press conference.
“Binibigyan natin sila ng 75 calendar days simula ngayong araw na ito.”
Dagdag pa nya, ang pagsisikap na malinis ang mga kalsada ay sinimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng iniutos nya ito habang nagbibigay sya ng State of the Nation Address.
Nakakalungkot lamang na may mga tindero at tindera pa rin na patuloy na nagtitinda sa mga lugar na kailangang linisin. Tulad nalang ni Nanay na umiiyak habang kinukumpiska ang kanyang kariton na ginagamit sa kanyang hanapbuhay.