Nabigla si Carl Malone Montecido isang mag-aaral sa Bacolod City National High School ng biglang nagviral ang kanyang video kung saan makikita na sya ay umaawit sa isang sikat na mall sa Bacolod City.
Inawit nya ang sikat na kanta ni Sam Smith na “Too Good at Goodbyes” at binigyan ng kakaibang estilo at genre, umawit sya sa isang mall na kung saan ay mayroong magic sing na itinitinda.
Ayon sa interview ng Radyo Bandera kay Carl Malone, nagrequest daw ang kanyang kakilala na umawit at doon ito nag umpisa, makitaa sa video na nakasuot pa si Carl ng uniporme nito kasama ang kanyang kaibigan.
Lingid sa kaalaman ni Carl na sya pala ay kinukunan ng video ng nangangalang Trixie na syang nag upload ng video sa facebook account nito at umabot na sa 8.5 million views.
Noong Pebrero 5,2020 nakunan ng video si Carl Malone at ngayon ang videong ito ay umabot na rin sa ibang bansa.
Nagviral din ang tweet ng original singer na si Sam Smith kung saan ipinaabot nya nag kanyang paghanga sa talentong ipinakita ni Carl Malone.
Kung inyong matatandaan si Carl Malone ay unang nakilala ng sumali ito sa Pilipinas Got Talent noong 10 taong gulang sya at naging Grand Finalist din sa Tawag ng Tanghalan noong 2016 at sumali din sa The Clash ng GMA.
Sa ngayon marami ang naging proud dahil sa pinamalas na talento ni Carl at patuloy sya sa pag-abot ng kanyang pangarap, naging inspirasyon naman sya ng mga proud members ng Person with Disabilities (PWD’s)