Lalaki,naabutang Wala ng Buhay dahil umano sa Paggamit ng Earphones habang naka Charge.

Mayroong malaking papel ang pagkakaroon ng cellular phone sa bawat isa, isa itong kinokonsidera na kabilang sa pangangailangan ng tao, ngunit ang paggamit nito ay may kaakibat na wastong disiplina para maiwasan ang anumang disgrasya.

Napabalitang may isang lalaki sa Thailand ang nakitang wala ng buhay matapos umano nitong makuryente sa loob ng kanyang silid.

Pinaghihinalaang nakuryente ang lalaki dahil sabay nitong ginamit ang earphones habang nakacharge ang kanyang cellphone.

Ayon sa ulat ng LADbible, nakita na lang ang katawan ng 35 taong gulang na si Supakhet Saraboon sa kanyang kwarto sa Phra Nakhon Si Ayutthaya nitong Lunes.

Kita rin umano ng awtoridad na naka-suot pa sa biktima ang earphones niya habang naka-charge ito sa tabi ng kama niya at nakasaksak pa sa extension cord. Nalaman na lang na patay na ang biktima ilang araw matapos niyang hindi magparamdam sa mga kaibigan niya.

Ayon sa kanyang mga malapit na kaibigan, halos gabi-gabing naglalaro ng football si Saraboon. Subalit, isang araw ay bigla na lang hindi ito nag-reply sa mga kaibigan niya. Napilitan naman ang mga ito na puntahan siya sa bahay niya upang kumustahin. “We had not heard from him for more than three days, which was unusual. His ex-girlfriend then texted me to visit him, so I went to his house and found no one,” sabi ng kaibigan ng biktima na si Sukpanya. “Another neighbour and I decided to break into his house, then we found him dead,” dagdag niya pa.

Matapos ang imbestigasyon, sinabi ng awtoridad na wala namang mga suspek sa trahedyang nangyari kaya malaki ang posibilidad na ang kanyang pagkamatay ay dulot ng cellphone niya. “There are no suspects involved with the death, so we believe it is an accident caused by the phone,” sabi ni Police Colonel Surapong Thammapitak. “People need to be careful when they are using headphones and charging their phone at the same time,” dagdag niya pa.

Marami na rin ang napabalitang mga cellphone na sumabog dahil sa overcharging, ginagamit habang ito ay nakacharge. Kaya magsilbing aral po sana ito sa lahat na maging maingat at wag abusuhin ang mga gadget.

Loading...